Ads Top




GUSTO MO BANG MAGKAROON NG MAAYOS NA RESULTA?


10 MALAKING BAGAY NA DAPAT MONG MALAMAN BEHIND YOUR SUCCESS
Daan-daang kompanya at milyong buhay na ang umaasenso at yumayaman dahil sa Multilevel Marketing o MLM. Bagamat hindi maikakaila ang kapangyarihan ng MLM para baguhin ang kalagayang pinansyal ng isang tao, marami pa rin ang duda at walang tiwala sa industriyang ito. Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagdududa sa MLM ay ang kawalan ng resulta ng marami sa mga networkers, o agents at distributors ng isang networking company. Paano nga naman sila mangungumbinsi na napakalaki ng potensyal na kumita sa MLM kung sila mismong mga nasa negosyong ito ay walang maipakitang resulta? Bakit nga ba hindi sila umuusad? Bakit ang iba ay patuloy sa pagkubra ng naglalakihang tseke samantalang ang iba naman ay naghihikahos upang mapatatag ang kanyang network?
Narito ang mga dahilan.

1. Kawalan ng Plano
Karaniwang dahilan ng pagpasok sa MLM ang malaking kita, ang pagkakataong tumigil sa trabaho at makasama ang pamilya, at ang pagiging sariling boss.  Sa katunayan, nung una akong um-attend ng isang Business Orientation Meeting sa isang MLM Company, nabigla ako sa at na-excite sa puwede kong kitain sa loob lang ng maikling panahon ng hindi ako natatali sa isang opisina o trabaho. Sa madaling salita, nakita kong puwede kong higitan ang kita ng mga empleyado, maging ng dati kong boss ng wala akong oras na sinusunod! Ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat. Ang akala ko kasi noon, kapag sumali ako sa MLM ay parang nanalo na rin ako sa lotto at magbabago ang buhay ko sa isang iglap. Hindi ko kasi naunawaan na ang pagyaman sa MLM ay posibleng posible kung magkakaroon ka ng matibay at magandang plano sa negosyong ito. Nalaman ko dahil sa matinding karanasan at pag-aaral ang mga sumusunod:
May tatlong bagay na dapat planuhin sa Network Marketing. Ito ay ang marketing plan, presentation plan at network positioning plan.
a. Kailangan mo ng MARKETING PLAN
Ang MARKETING PLAN ay isang konkretong plano na sasagot sa mga sumusunod:
1. Sino ang market natin ng produkto? O sino ang may kakayahan/kagustuhang bumili ng produkto? (Ang kabataan ba o ang mga baby boomers ,etc?)
2. Paano mo maipapakilala ang produkto sa iyong market? Saan mo sila makikita? Paano mo sila iimbitahan?
Sa kasalukuyan, tinuturuan ko ang aking mga downlines o yung mga taong nasa ibaba ng aking networks ng mga mabisang paraan upang malaman mo ang market at kung sinu-sino sila, makita ang pangangailangan nila at maipakilala ang MLM bilang solusyon sa kanilang problema. Isa sa mga estratehiyang tinuturo ko ang ang development ng “Core Market” at “Niche Market Identification”, mga makapangyarihang paraan na tumapos sa aming problema kung paano kami makakabenta ng produkto at makakalikha ng matatag na downlines.
b. Kailangan mo ng PRESENTATION PLAN
Maging ang plano kung papaano ka magpe-present sa mga kliyente ay mahalaga. May ilang bagay kang dapat maunawaan sa pagbuo ng presentation plan.

1. Believability- tataas ang paniniwala sa iyo ng mga kliyente kung alam mo ang lahat ng detalye ng iyong produkto at presentasyon. Nararapat na ikaw ay may mataas ring self-confidence.
Kaiba sa paniniwala ng iba, hindi kailangang maging sobrang pormal o professional ang iyong presentation. Dahil ang ating negosyo ay ang pagbubuo ng stable network of people, hindi dapat makompromiso ng pagiging propesyonal ang iyong personalidad. Mas nakaka-engganyong makinig sa isang taong natural at may personalidad kaysa sa mga boring at tila “scripted” na presenters.

2. Persuasiveness-  may pagkakataong kahit gaano kalaman at kaganda ang ating presentation ay mare-reject pa rin tayo. Nangyayari ito hindi dahil sa pangit ang ating produkto. Nangyayari ito dahil hindi “persuasive” o hind mapang-akit at mapang-engganyo ang paraan ng ating komunikasyon.
Kapag marunong ka ng persuasive communication at may kaalaman ka sa “buying trances” o pamamaraan kung paano makukumbinsi ang iyong kausap kung saan tatatak sa kanyang isipan ang iyong mensahe, ay madalang ka nang makakaranas ng rejection. Sa katunayan, kahit hindi ganoon kaganda ang iyong produkto, gamit ang persuasive communication ay tiyak na marami pa ring bibili at sasali sa network mo!
Ito ang dahilan kung bakit unang-una sa aming training ang paglalantad ng mga secret persuasion strategies.

3. Presentation Flow and Content- Ano ang susi sa magandang presentation? Preparation.
Dapat na banayad o continuous at smooth flowing ang laman ng presentation. Mangyayari ito kung well-organized ang iyong content. Isa sa mga pinakamahalang sikreto ng magandang presentasyon ay ang pagsisingit ng mga istorya at kwentong akma sa topic ng presentation. Mas madaling maunawaan ng utak ng tao ang mga impormasyong inilahad sa pamamagitan ng detalyadong kwento.

c. Kailangan mo ng Positioning Plan
Napakaraming networkers ngayon ang magsasabing “paramihan ng tao” ang estratehiya ng tagumpay sa MLM. Isa itong napakalaking pagkakamali! Sa katunayan, karamihan sa mga pinaka-matagumpay na networkers na kilala ko ang umabot sa milyung halaga ng tseke ng lima o anim lang ang na-sponsor o na-recruit! Ang sikretong susi sa tagumpay sa MLM ay ang tinatawag na “positioning”. Ito ay ang maingat na paglalagay ng iyong mga downlines at kanila ring downlines sa isang structure na magtitiyak na walang “recruitment stoppage” o “block” sa network. Base sa kakayahan o abilidad ng isang downline, ipoposisyon mo siya sa pwesto kung saan higit kayong aani ng pakinabang bilang isang network. Sa sarili kong network, sinisiguro kong kumikita ng malaki ang lahat sa pamamagitan ng epektibong pagtitimbang kung saan ipupwesto ang downline base sa kanyang kakayahan.

2. Kawalan ng paniniwala sa produkto at marketing plan ng kompanya
Ang MLM ay isang industriya na ang pundasyon ay tiwala at karanasan. Ito ang dahilan kung bakit mabisang hakbang sa MLM ang pag-imbita sa mga kaibigan at kapamilya bago ang pag-imbita sa estranghero. Unang-una, maibabahagi mo ang magandang balita ng pag-asenso sa sarili mo munang mga mahal sa buhay. Pangalawa, may tiwala sila sa atin sapagkat hindi natin sila kayang ipahamak.
Ngunit paano mo ipapakilala ang pag-unlad sa MLM kung ikaw mismo ay hindi naniniwala sa produkto? Kung sa tuwing maririnig mo ang compensation plan ng kabilang kumpanya ay nagsisisi ka dahil hindi ka doon sumali? Kapag pinasok mo ang isang bagay, nararapat lamang na pag-aralan at bigyan mo ito ng pagkakataong baguhin ang buhay mo.
Sa madaling salita, dapat mong pagkatiwalaan at mahalin ang dalawang sandata mo sa pag-asenso sa MLM: ang inyong product at ang compensation plan.

3. Hindi nauunawaan kung sino ang market
“Marketing” ang pinakamahalagang salita sa MLM at Networking. Ang marketing ay ang pagpapakilala sa mga tao ng dalawang bagay na siya mo ring dapat mahalin sa MLM: ang produkto at compensation plan (ways to earn).
Gamit ang iba’t-ibang marketing strategies, dapat mong subukang maipamalita ang business opportunity mo sa maraming tao. May dalawang klase ng marketing plan:
a. Offline
Kabilang dito personal na pakikipagkita at pagharap sa isang kliyente o grupo ng mga kliyente. BOMs, print ads, radio advertisements, flyering, leafleting at iba pang pamamaraang hindi ginagamitan ng internet.
b. Online
Kabilang dito ang lahat ng pamamaraang ginagamitan ng internet tulad ng social networking, blogs, websites, viral videos, etc.
Mahalaga na magkaroon tayo ng kahit na basic knowledge sa parehong offline and online marketing. Kapag alam mo na kung paano ita-tap ang parehas na market, maaari mo nang ibalangkas ang content ng iyong online or offline advertisement.
Sa aming grupo, gumagamit kami ng mga “proven and tested” sales letters, direct mails at iba pang subok na marketing strategies. Dahil sa ang mga ito ay “trade secrets”, hindi ko maaring ilahad sa lahat kung paano ito gagawin sa detalyadong paraan. Ngunit tandaan na ang aming intensiyon ay pairalin ang Magnetic Networking, o ang klase ng pagbuo ng network of downlines na kusang dumating o lumapit sa iyo.

4. Mali ang Strategy ng Recruiting
Noong una, madalas akong masaktan at sumama ang loob sa mga taong nag-reject sa akin. Ang katwiran ko kasi ay ito:
“Binigyan ko na sila ng pagkakatong umasenso sa buhay sa pamamagitan ng networking, niyaya mo na silang yumaman kasabay mo, e sisimangutan, ire-reject at pagdududahan ka pa nila!”
Nang tanungin ko ang dati kong upline kung ano ang dapat kong gawin, ito ang sinabi niya:
“Matuto kang tumanggap ng rejection. Huwag kang balat sibuyas. Parte ‘yan ng proseso. Minsan, kailangan mong ma-reject ng ma-reject hanggang sa may sumali sa iyo. Tingnan mo, sa huli, lahat iyan ay worth it”.
Magagandang salita mula sa aking upline. Na sa kasamaang palad ay aking pinaniwalaan! Mabuti na lamang at dahil sa karanasan ay natutunan ko na sa networking pala, hindi kasangkapan o instrumento sa tagumpay ang rejection!
Dahil sa ayaw kong ma-reject ng paulit-ulit at dahil sa naniniwala ako  sa kakayanan ng negosyong ito na magpayaman ng tao, hinangad kong i-alok na lamang ang negosyo sa mga taong HANDA na para dito! At dito ko nadiskubre ang Magnetic Networking kung saan ang marketing strategy na ginamit ko ay nakadisenyo para ang mga taong HANDA NA ang kusang lalapit sa akin! Zero Rejection. Walang kahirap-hirap. Para sa akin, ito ang pinaka-epektibong recruiting strategy sa lahat.

5. Ang focus ay sa pagpaparami ng tao at hindi sa pag-train ng leaders
Si Ann, isa sa aking mga naging kaibigan sa dati kong MLM company ay madalas magsabi na nasa dami ng tao ang tatag ng network. Sobrang agresibo ni Ann at tumatanggap siya ng P40K hanggang P60K sa isang lingo dahil sa pagiging agresibo sa recruitment. Sa loob ng isang taon, nakalikha si Ann ng higit sa 60 downlines at direct referrals. Ngunit nagkaroon ng problema sa network ni Ann. Imbes na magtuloy-tuloy sa paglobo ay unti-unting bumagal ang expansion ng network niya. Bumagal ito dahil walang nabuong core team o grupo ng mga leaders na magpapanatili ng ningas ng apoy. Si Ann lang ang kumilos sa kaniyang organisasyon at ang mga nauna niyang downlines ang higit na nakinabang kahit wala silang ginawa. Ito ang tinatawag naming network stop.
Kung sa simula pa lamang ay training at duplication na ang layunin mo para sa lahat ng downlines, makaasa ka na magpapatuloy ang expansion ng iyong organisayon kahit na ang ilan sa kanila ay magkaroon ng problema at huminto.

6. Kakulangan sa Personal at Perceived Value
Alam mo ba na may tatlong uri ng networker? Ang mga ito ay ang alpha, pre-alpha, at beta networkers. Importante na malaman mo kung saang grupo ka nabibilang dahil nakasalalay dito ang pangmatagalang tagumpay mo sa MLM. Narito ang depinisyon ng bawat isa ayon sa Amerikanong author at multi-millionaire na networker na si M. Dillard:
Beta Networkers- Mga downlines na walang sapat na training at kakayahan para pamunuan ang isang matatag na network. Dahil sa kawalan ng training, sila ay walang kumpiyansa sa sarili at naghihintay lamang sa upline o sa kumpanya na kumilos para sa kanila
Pre-Alpha- mga dating Beta na nagkaroon ng higit na kaalaman at kumpiyansa sa sarili dahil sa training. Karamihan sa kanila ay “pinatalsik” ang kanilang upline at hindi na umaasa sa mga ito para patatagin ang kanilang network. Sila ay patungo na rin sa pinakamagandang kategorya ng networkers, ang Alpha.
Alpha Networkers (o mga Successful Upline Leaders)- mga matatagumpay na uplines na may state of mind of abundance at sinusundan o hinahabol ng iba. Kapag ikaw ay Alpha Leader, mabilis ang pagtatatag mo ng network dahil sa mga sumusunod:
1. May nakaka-inspire na resulta. Dalawang klase ang resultang tinitingnan ng isang downline sa isang upline. Ito ay ang financial results at organizational results. Kapag maayos ang palakad ng upline sa kanyang network at nakikita ng mga downlines na may malaking financial gains ang kanyang upline, mas nagiging mataas ang “perceived value” ng upline at mananatiling loyal, masipag at dedicated ang mga downlines. (Punahin na binanggit na ang loyalty ay nasa upline at hindi sa kumpanya. Ipapaliwanag ko ito mamaya)
2. Itinuturo sa upline ang mga pamamaraang epektibo lalo na sa pagpapalaki ng network. Dahil nga may state of mind of abundance, hindi natatakot ang isang Alpha Leader na ipasa sa iba ang kanyang kaalaman. Hindi niya ipinagdadamot ang mga leads o listahan ng mga taong may malaking potensiyal na sumali sa network. Hindi niya iniisip na siya ay “mauubusan”, bagkus, tinitiyak na lahat ng kanyang downlines ay may sapat na assistance at training upang higit na kumita.
3. Hindi siya apektado ng kritisismo pero bukas sa opinyon at suggestions ng iba.
Tuwing nagco-conduct kami ng training, lagi kong ipinapaalala sa aking network ang tatlong malaking susi ng tagumpay:
a. Being Open-minded.
Affirmation (paraan ng pagpapaalala sa sarili): “I am letting new knowledge to come in my life and promote growth”.
b. Being an Action-taker.
Affirmation: “I am an action-taker! Action makes my life more productive and exciting”.
c. Willingness to Participate. 
Affirmation: “I am willing to learn and grow. I do not let my pride or shyness stop me from becoming the best that I can be!”.
Sa aking pag-aaral, lahat ng mga pinakamayayaman at pinakamatatagumpay sa mundo ay gumagamit ng tatlong susi sa tagumpay na ito.
Ang isang alpha leader ay may open-mind at handang baguhin ang sarili sa ngalan ng personal growth. Pero hindi siya kailan man nakikinig sa malisyosong pamumuna ng kapwa. Kung kinakailangan, handang lunukin ng alpha leader ang pride at makipag-participate sa magandang mungkahi.
Kung ang iyong upline ay isang Alpha na may mga katangiang nabanggit sa itaas, hindi ba’t tila “magnet” siya na sinusundan, hinahangaan at nirerespeto ng mga tao? Kaya nga ang goal mo sa network marketing ay maging isang Alpha Leader. Kung ikaw ay Alpha Leader, mas marami ang maeengganyong sumali sa iyong network. Tandaan ang sikretong ito sa MLM:
Mas sumasali ang mga tao sa network ng isang leader na may kakayahang baguhin ang buhay at tuparin ang pangarap ng mga miyembro. Kapag mataas ang iyong personal value (leadership qualities, financial assets, marketing skills) at ang iyong perceived value (paghanga at tingin sa iyo ng mga tao sa paligid mo), hindi mo na kailangang magbenta pa dahil kusa nang ibebenta ng mga tao ang kanilang sarili sa pagsali sa network mo!
Bakit? Mayayanig ka sa susunod na pangungusap.
Sa networking, hindi sumasali ang isang tao sa kumpanya o negosyo. Sila ay sumasali sa IYO.
Ito ang dahilan kung bakit ko nasabi na mas higit ang loyalty ng downline sa kanyang upline kaysa sa kumpanya!
Kung ikaw ay may mataas na halaga o value sa paningin ng iba, dadami ang downlines sa network mo. Sigurado ang bagay na iyan. Kung kaya’t ang negosyo mo ay ang palaguin ang sarili at maging ALPHA LEADER. Papaano? Alalalahin ang tatlong susi ng tagumpay:
1. Being Open-minded
2. Being an Action Taker
3. Willingness to Participate
Sa aming lingguhang training, itinuturo namin sa lahat ng downlines ang mga epektibong pamamaraan sa pagtatagumpay na hindi nalalaman ng karamihan sa mga networking companies sa ngayon. Kung susundin mo lamang ang 3 susi sa tagumpay at pagbibigyan ang iyong sarili na makinig sa isa sa aming free trainings, tiyak na may MALAKING pagbabagong mangyayari sa buhay mo.
Narito ang mga pagkakamaling sisiyasatin natin sa susunod:

7. Umaasa sa Upline at Kumpanya para sa Marketing Plan
Sa Pilipinas at maging sa iba pa mang panig ng mundo, nagsisimulang baguhin ng Network Marketing ang paraan ng pagnenegosyo. Maging ang pinakamayayamang investors sa mundo ay bumibili at nagtatatag na ng sarili nilang networking companies tulad ni Warren Buffet, ang pangatlo sa pinakamayamang tao sa daigdig.
Ngunit dahil sa ang buhay ng network marketing ay nakasalalay hindi lamang sa ganda at kalidad ng produkto kundi maging sa dami ng tao na patuloy na pumapasok at sumasali sa network, napakaraming kumpanya ang gumagawa ng paraan para higit na maging kaakit-akit ang pagsali. At mahirap man tanggapin, karamihan sa mga pang-akit na ito ay mga kasinungalingan at pure nonsense. Narito ang ilang halimbawa:
“The product sells itself!”
“Hindi ka mahihirapan sa pagbebenta, buong Pilipinas market natin”
“Sobrang daling yumaman, kahit bata kayang gawin ‘to”
“Hindi pa paso ang market, bago pa lang ang kumpanya, mauna ka na!”
“6 months lang may 1 million ka na”
Kung paniniwalaan mo ang mga nonsense na ito, talagang maha-hype ka na sumali sa kumpanya nila. Dahil kahit na totoo ang lahat ng sinasabi nila, HINDI pa rin sapat na guarantee at katiyakan na yayaman ka sa pagsali. Iyan ay dahil sa NAGPAKITA sila ng resulta ngunit hindi nila ipinaliwanag kung papaano nakuha ang mga resultang iyon! At maniwala ka man sa hindi, maraming MLM companies ang sumusuporta sa hyping activities ng members para sumali ka sa network nila! Kung totoo ang lahat ng claims nila, bakit napakarami ng taong hindi nagtatagumpay sa MLM? Bakit may mga “MLM Nightmares” ang ilan sa ating kababayan? Bakit may mga kumpanya na kailangang gumamit ng deceptive tactics tulad ng “kidnapping” para lang sumali ang mga tao?
Magpunta ka sa training ng isang karaniwang MLM companies at tiyak na may dalawang bagay kang matututunan:
a. Kung papaano ipapaliwanang ang product line at ang marketing o compensation plan sa paraang matatakam ang tao sa pangako ng malaking kita
b. Magsasalita ang trainer ng tungkol sa perang kinikita ng mga top earners nila at ipapaliwanang ang mawawala sa iyo kung hindi ka sasali agad.
May dalawa ring negatibong epekto ang ganitong klaseng training:
a. Hindi ka tinuruan kung papaano mo mapapalakas ang sales and marketing mo ng hindi binubulabog ang lahat ng kamag-anak, kaibigan, kakilala atbp.
b. Sa sobrang taas ng hype at pagkatakam ng tao dahil sa pangakong pagyaman, nagmumukhang fiction movie ang training. Sa paniniwala ko, lahat ng taong sumasali dahil sa mataas na hype ay may malaking chance na mahinto agad ang gana sa networking dahil:
What goes up must come down.
Bilang Alpha Leader, hindi ka dapat umasa sa ganitong taktika ng kumpanya at upline. Kung ang trabaho mo lang ay mag-imbita at wala kang kakayahang magpaliwanang sa maraming tao, ang tingin sa iyo ng iba ay tila miyembro ng sindikato (o kulto) na pilit silang isasama para mapaliwanagan ng inyong leader.
Isa sa mga pinakamalaking pagkakamali na maaaring gawin sa MLM ay ang umasa sa upline o sa kumpanya na mag-market para sa iyo. Dapat ay may kakayahan kang gawin ito ng mahusay. Ikaw ang higit na nakakaalam sa takbo ng isipian ng lahat ng naimbitahan mo at dapat na magsimula sa iyo ang kanilang interes sa pagsali.
8. Paggamit o Paglikha ng “Ahenteng-ahente” na Environment (Wrong Establishment of Rapport)
9. Pagtingin sa Downline Bilang One-time Affair
10. Pagkakaroon ng Poverty o Scarcity Mindset
 signature2

No comments:

Powered by Blogger.